Napabulalas ako isang araw no’ng ako’y pumila sa isang drugstore doon sa Avenida
Gumising ng maaga upang bumili ng vitamins para sa aking asawa.
May isang Ale na pumunta sa una, malakas ang boses, tinawag ang kasera.
Binanggit ang nais ibili nya, ang kasera nama’y dali daling ibinigay sa kanya.
“Teka, Di ba Ako at ang mga nakapila ang mas nauna?”
Kapatid, alam ko na naranasan mo na rin ang ganito
Gumising ng maaga, pumila at biglang may mauuuna sa iyo.
Madalas ito sa sakayan ng Jeep o bus, eroplano, minsan nga kahit pa sa bangko.
Hindi naman sila disabled o kaya ay baldado.
Pero bakit ganun kung kumilos walang paki sa kapwa, akala mo kung sino.

Hindi kaya may kinalaman ito sa paghihirap nating mga Pilipino?
Napakarami sa atin ang mainipin at nawawalan agad ng respeto.
Nanggigitgit at nambabalya ta’s magagalit kapag pinuna.
Lahat ay gusto mauna kaya siksikan at kabagalan lamang ang resulta
Sa kalsada kaunting aberya ay bumubusina na,
Ang mga nasa una, iipitin upang ang pasahero ay mapasa kanila
Mga politika na gusto maihalal ng madla
Ang mga kompetensya’s sisiraan
…at minsan buhay pa nga ang kinukuha
Kapatid, kung nakuha mo ang ideya
Halika’t wag tayo tumulad sa kanila.
Huwag nating unahan ang mga nakapila at nasa una
Upang sila rin hindi mapabulalas na
“Teka, Di ba Ako ang Nauna?“





I love this one! Sapul and mga mainipin! Lol! Great one, Rambo!